Nadagdagan pa ang gintong medalya ng Pilipinas sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games kasunod ng panalo ni Pinoy Olympic silver medalist Nesthy Petecio sa boksing sa Cambodia nitong Linggo.
Nasungkit ni Petecio ang gold medal matapos bugbugin si Indonesian Ratna Sari Devi sa kanilang salpukan sa women's 57kg finals.
Nauna rito, tatlo ring gintong medalya ang nakubra ng tatlo boksingerong sina Ian Clark Bautista, Carlo Paalam, at Paul Bascon.
Ito na ang ikalawang gold medal ni Petecio kasunod ng panalo nito noong 2019.