Bukod sa Flores de Mayo at Santacruzan na pinagdiriwang natin sa buwan na ito, isa sa mga pinaka-importanteng selebrasyon din ang araw ng mga Ina o Mother's Day.

Ito ay ang araw kung saan ginugunita natin ang sakripisyo't pagmamahal ng mga Nanay, Inay o Mama na itinuturing nating mga "Ilaw ng tahanan."

At dahil malaking bagay ang Mother's Day sa kultura ng pamilyang Pilipino, tiyak na deserve na deserve nilang maramdaman ang isang daang porsyentong pagmamahal nating mga anak, at mabigyan din natin ng "day off" o "relaxation" ang ating mga supermom.

Mula sa parties, outings at bonggang regalo, ang mga Pinoy ay may kaniya-kaniyang diskarte yan para mapasaya si Mama, Nanay, Mommy sa buong araw na ito.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Narito ang mga simple ngunit puno ng pagmamahal na diskarteng Pinoy na puwedeng gawin at ibigay kay Nanay ngayong Mother's Day.

1. Ipagluto sila ng paborito nilang ulam

Dahil ang mga Nanay ang "master chief" ng tahanan, ngayong espesyal na araw nila ibahin natin ang ihip ng hangin at tayo naman ang magluto para sa kanila. Kailangan lang nating alamin ang recipe ng paborito nilang pagkain na puwedeng ihanda sa tanghalian o hapunan. Tandaan, huwag kalimutang lutuin ito

ng may pagmamahal.

2. Bilhan sila ng bagong kumot, punda, at kurtina

Simple lang ang kaligayahan ng mga Mommies, mapapansin nga nating mahilig silang bumili ng punda, kumot, at kurtina. Natutuwa nga tayong mga anak dahil kahit walang okasyon ay todo palit ng kurtina ang ating mga Nanay. Lagi nating tandaan na hindi laging magarbong selebrasyon at regalo ang gusto ni Nanay, kaya sa ganitong paraan ay tiyak na matamis na ngiti ang mamumutawi sa kanilang mga mukha.

3. Mag-bake ng cake o sweet delicacies

Nakasanayan na nating bumili sa labas ng cake, pero iba parin kapag tayo 'yung gumawa at mag-bake ng cake para sa mga Mommies.

Kaya maaari tayong bumili ng easy-bake cake boxes sa grocery at lutuin ito ng pagmamahal. Hindi na kailangan bongga pa, ang importante maramdaman nila ang "sweetness" nating mga anak.

4. Sumulat ng tula para kay Nanay o kaya'y gumawa ng DIY greeting card.

Maraming puwedeng paraan upang ma-express mo ang pagmamahal kay Nanay in your own way. Aba'y kung mahilig kang magsulat puwedeng gawan mo si Nanay ng tula o mensahe at ilagay mo ito sa DIY greeting card kalakip ang kaniyang litrato o litrato ng inyong pamilya. Simple,pero tiyak na matotouch at matutuwa si Nanay sa binuhos mong effort sa pagawa ng "personalized gift".

5. Samahan si Nanay manood ng kaniyang paboritong palabas

Bilang mga anak, natutuwa tayo kapag nakikisawsaw at nakikigulo ang mga Nanay sa paborito nilang pelikula. Minsan pa nga ay nadadala sila sa emosyon ng kanilang mga idolo sa isang movie. Kaya sa araw ng mga Ina, gawin natin silang "bida" gaya sa pelikula, puwede tayong maghanda ng ilang comedy-movies na tiyak makapagpapawala ng stress ni Nanay.

6. Gawin ang mga gawaing bahay

Aminin natin na ang mga momshie ay mabilis lamang maka-appreciate ng mga bagay-bagay. Kaya ngayong araw nila, 'wag nating hayaan mapagod sila. Isa sa puwedeng paraan para mapangiti si Mommy, Nanay, Inay ay gawin ang mga "household chores" gaya ng paglalaba, pagluluto at paglilinis, tiyak na matagal na rin gusto ni Mommy na makapag "beauty rest".

Lagi nating tandaan, dapat araw-araw nating iparamdam sa kanila na mahal natin sila at 'wag nating kalimutang respetuhin ang ating mga magulang dahil isa iyon sa mga pinakamagandang regalong maibibigay natin sa kanila.