Matapos ang ilang buwang pananahimik tungkol sa isyu ng hiwalayan, nagsalita na ang American actor at dating partner ni Kapuso comedienne Pokwang na si Lee O'Brian.

Hindi kagaya ng masasakit at maaanghang na pahayag mula kay Pokie, naging matipid at mahinahon si O'Brian sa kaniyang mga sinabi patungkol sa dating partner at ina ng kaniyang anak na si Malia.

Ayon sa panayam ng PEP, hindi mawawala at mananatili sa kaniyang puso ang pagmamahal niya sa kanilang anak, gayundin sa nanay nito.

“All I can say is, I love my daughter more than anything in this world. And you know what, I always have love for the mother of my child because she brought my child into this world. And that’s my story. That’s all I can say. I hope for the best for everyone involved, the most for my daughter,” ani Lee ayon sa PEP.

Lee O'Brian, kinandungan ng waitress sa isang Mexican bar; Pokwang, nag-react

Matatandaang isiniwalat ni Pokwang ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan sa "Fast Talk with Boy Abunda" kung saan emosyunal na isinalaysay ng komedyante ang kanilang mga pinagdaanan ni O'Brian.

Kamakailan lamang ay nagbigay ng hint si Pokwang na tila may ibang babae na ang kaniyang dating partner.

Hindi naman tuluyang isinasara ni Pokie ang kaniyang puso at oportunidad na makatagpo pa ang "The Right One" para sa kaniya.