Binalaan ng Social Security System (SSS) ang publiko laban sa mga "fixer" na nag-aalok ng serbisyo sa mga miyembro ng ahensya.
Sa social media post ng SSS, pinayuhan nito ang mga miyembro na huwag ipaalam o ibahagi ang kanilang SSS number, My.SSS portal login credentials, iba pang personal na impormasyon sa mga indibidwal na nagpapakilalang empleyado ng ahensya.
Inabisuhan din ng SSS ang mga miyembro na huwag basta magtiwala sa mga nag-aalok ng tulong upang makakuha ng SSS number online, makapag-enrol ng disbursement account, makapagbayad ng SSS contributions at makapag-apply ng benepisyo o loan.
Ang mga impormasyon ay maaaring magamit sa iligal na gawain, ayon sa SSS.
Nanawagan din ang ahensya sa publiko na maaaring magsumbong sa Philippine National Police, National Bureau of Investigation Anti-Cybercrime Group o sa Special Investigation Department (SID) ng SSS upang matukoy at makasuhan an mga fixer o scammer.