Napahagulhol sa saya ang Olympic silver medalist na si Mansueto “Onyok” Velasco nang sorpresahan siya ng anak niyang si Ry Velaso.

Sa surpresa ng kaniyang anak na isang beauty at lifestyle vlogger si Ry, naging emosyonal ang boksingero dahil sa naging regalo nitong isang brand new car.

Sa TikTok video ni Ry, mapapanood ang anak na excited bumili ng kotse para sa ama, bumili pa nga ito ng pulang ribbon na mas lalong nagpa-espesyal sa kotse.

“You have the purest heart, dad. you deserve everything, ily,” caption niya sa naturang video.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

“Suprising my dad with a car, I’m so excited!” aniya sa video.

Matapos n’yon ay hinatid na ito sa bahay nila at dito na napaghagulhol ang Pinoy boxer na umantig sa puso ng mga netizens.