Natikman na ng Gilas Pilipinas ang unang pagkatalo sa kamay ng Cambodia, 79-68, sa Morodok Techo National Stadium sa Phnom Penh, Cambodia nitong Huwebes ng gabi.

Hindi ginanahan si Justin Brownlee na naka-10 puntos lamang, hindi katulad ng teammate na si Christian Standhardinger na kumubra ng 14 puntos at 11 rebounds.

Nagtala naman ng 11 markers si Chris Newsome at siyam naman kay CJ Perez.

Naghulog ng 12 na tres ang Cambodia na nakaabante ng hanggang 21 puntos sa third quarter.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nasa ikalawang puwesto na sa standings ang Gilas dahil sa taglay 1-1 record habang ang Cambodia ay nakuha ang 2-0. 

Kabilang lamang sa bumandera sa Cambodia ang isa sa import na si Darrin Dorsey na humakot ng 22 puntos habang ang kakamping si Sayeed Pridgett ay kumamada naman ng 17 puntos.

Sa kabila ng pagkatalo ng Gilas, malaki pa rin ang pag-asa nitong pumasok sa semis at kailangan lamang ang isang panalo kontra Singapore, 0-2, sa kanilang bakbakan sa Sabado dakong 2:00 ng hapon.