Lucena City, Quezon -- Inambush ang isang 48-anyos na land surveyor matapos pagbabarilin ng mga 'di pa nakikilalang salarin na lulan ng isang motorsiklo nitong Miyerkules ng umaga, Mayo 10 sa Barangay Isabang sa lungsod na ito.

Nangyari ang insidente matapos ihatid ng biktimang si Dennis Avendaño Amat ang kaniyang anak sa paaralan dakong alas-7 ng umaga. Inabangan umano ito ng mga suspek at saka pinagbabaril ng ilang beses at natamaan ng bala ang ulo nito at katawan.

Tumakas ang mga salarin patungong Sariaya, Quezon sakay ng kulay itim na motorsiklo. 

Nirespondehan ng city rescue team ang biktima at dinala sa ospital ngunit ito ay idineklarang patay na.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Inaalam pa ng pulisya ang motibo at pagkakakilanlan ng mga tumakas na suspek. 

Ang pagpatay kay Amat ay ikalawang kaso ng pamamaril sa lungsod na ito, nauna na rito ang pagpatay sa mag-ama na inambush naman sa Barangay Silangang Mayao noong Lunes.