Bumaha ng pag-aalala ang mga tagahanga at netizens para kay Optimum Star Claudine Barretto matapos niyang ibahagi ang litrato kung saan nasa ospital siya.

"Thank you so much to my volleyball babies for visiting me," ani Claudine sa caption ng kaniyang Instagram post.

View this post on Instagram

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nag-alala naman ang mga tagahanga ni Clau, na kamakailan lamang daw ay napanood pa sa "Fast Talk with Boy Abunda."

Ngunit kinalamay at pinayapa ni Claudine ang kalooban ng kaniyang mga tagahanga at wala naman daw masamang nangyari sa kaniya. Sumama lamang daw ang kaniyang pakiramdam.

"Not feeling well lang po. No need to worry. Thank you so much for all your prayers," aniya.