Tila isang patama na naman laban sa estranged husband na si Lee O’Brian ang pinakawalan kamakailan ni Kapuso host Pokwang tampok ang isang glow up reel, patamang nauwi naman sa pagbawi ng komedyana matapos talakan ng netizen.

Noong Sabado, Mayo 6, isang pak na pak na post ang ibinahagi ng Kapuso actress-host sa Instagram.

View this post on Instagram

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa unang larawan ay makikita ang komedyana hawak ang lutong ulam sa isang kusina. Simpleng nanay-misis ang peg ng aktres sa naturang larawan.

Sunod na makikita ang full-glammed up na larawan n Pockie na laban na laban sa kaniyang signature fierce look.

Sey niya sa caption: “Ako noong halos walang oras para sa sarili maalagaan at mapakain ka lang hahahhahahaa ako ngayon nang matauhan at mahalin naman ang sarili tah kaa!!!! BOOM!!!!”

Habang ilang netizens ang nagpahayag ng suporta sa celebrity mom ay isang komento naman ang umagaw sa atensyon n Pockie.

“Pls don’t take it the wrong way po Miss Pokie pero iba po yung sigla ng mata mo sa first pic.. You look genuinely happy ❤️ Eyes can’t lie,” tila pag-real talk na saad ng netizen sa aktres.

Sa halip na kontrahin ang netizen ay bagkus pinihit at nagpakumbaba si Pockie sa isang pag-amin.

“Genuine din kasi yung love na binigay ko kaya ganon,” walang pag-aalinlangan na saad ng aktres.

Basahin: Pokwang sa pagiging ‘ampalaya’ sa estranged mister: ‘Kaya ako sumisigaw kasi mahapdi’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang panayam noong Abril, matatandaang aminado ang ina na sa kagustuhang maibigay ang buong pamilya sa bunsong anak na si Malia ay nasobrahan aniya siyang himasin ang relasyon nila noon ni O’Brian.