Inanunsyo ng British singer-songwriter na si Sam Smith ang Asia leg ng kaniyang “Gloria: The Tour” concert, Lunes ng gabi, Mayo 8.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Sam ang dates para kaniyang concert sa Asya, kung saan isa ang Pilipinas sa mga bansang kaniyang pupuntahan.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Ito na ang pangatlong beses na magtatanghal si Sam sa bansa, kasunod ng kaniyang sold-out concerts noong 2018 at 2015.

Unang sumikat si Sam nang itampok ito sa kantang “Latch” ng electronic duo na Disclosure taong 2012. Taong 2015 naman nang manalong “Best New Artist” si Sam sa Grammy’s, kung saan nanalo rin ang kanta niyang “Stay With Me” bilang “Song of the Year.”

Inaasahang aawitin ni Sam ang kaniyang mga hit songs kagaya ng “I’m Not The Only One,” “Lay Me Down,” at “Unholy” sa kaniyang concert na magaganap sa SM Mall of Asia Arena sa darating na Oktubre 23.

Wala pang detalye tungkol sa bentahan ng tickets para sa nasabing concert.