Tila "tinatalbugan" daw ng social media personality-actress na si Toni Fowler ang sikat na paandar at pamimigay ng jacket ni Wowowin host Willie Revillame, dahil kay Toni raw ay mamahaling cellphone at talaga namang kinakagat ng mga netizen!

Kamakailan lamang ay game na nakisali ang mga netizen sa paandar ni Toni na sinuman ang may pinaka-petmalung sagot kung bakit kailangang siya ang mabigyan ng mamahaling cellphone ay mabibigyan ng iPhone 14.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Agad itong nag-viral at kaniya-kaniyang "papansin" ang mga netizen para lamang makuha at mapukaw ang atensyon ni Toni.

Finally, isang masuwerteng fan ang nakatanggap ng iPhone 14 dahil sa sagot nitong si Toni raw ang binoto niyang presidente ng Pilipinas noong nagdaang halalan.

Biro pa ni Toni: "Goal: magkaroon ng iphone14 ang bawat mamamayang Pilipino."

Dahil dito, isang meme ang lumabas na parang tinalbugan na raw ni Toni ang "Bigyan ng jacket 'yan!" ni Willie dahil iPhone 14 na ang bet ng mga utaw ngayon.

Kaya kung gusto mong makakuha ng iPhone 14 mula kay Toni, laging abangan ang kaniyang posts sa social media. Baka nga naman suwertihin ka one of these days!