Natanong ng media peepz si Kapamilya star Lovi Poe kung ano ang naramdaman at reaksiyon niya nang mag-viral ang kissing scene nila ng co-star at isa sa mga direktor ng "FPJ's Batang Quiapo" na si Coco Martin.

Coco 'hinigop' si Lovi; kinabog si Joshua

“Well, paano ko ba sasagutin? Mahirap namang hindi kiligin, eh. Sabi ko nga, nagdidirek pa lang siya, ahhmm kinikilig… bakit nakatingin sa akin lahat?” sey ni Lovi sa tanong sa kaniya, sa isinagawang thanksgiving media conference sa serye noong Mayo 4 sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City, ayon sa ulat ng PEP.

Nakakakilig daw ang ginagawa ni Coco na habang umaarte at nakikipaghalikan sa kaniya, nagmamando raw ito bilang direktor at sumisigaw ng cut!

Sinundutan pa ito ng aktor at gumaganap na tatay ni Lovi o Mokang sa serye na si Pen Medina. Natatawang ibinahagi ni Lovi na inaasar daw siya ni Pen at sinasabinhang "Ang landi-landi mo!"

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na close sa isa't isa sina Coco at Lovi off-cam, at may kani-kaniya na rin silang love life. Non-showbiz afam ang jowa ni Lovi samantalang si Coco, well, bagama't hindi pa umaamin at kinukumpirma, ay sinasabing rumored boyfriend ni Julia Montes.

Anyway, mukhang tatapatan ng Batang Quiapo ang paglanding sa telebisyon ng "Voltes V Legacy" sa Lunes, Mayo 8, dahil may kailangan daw abangan sa panibagong yugto ng buhay ni Tanggol, karakter ni Coco sa serye.

Voltes V na nga ba ang makatitibag sa paghahari ni Coco sa Primetime? Iyan ang exciting na dapat alamin sa Lunes!