Dalawang lugar sa Aklan ang nakumpirmang apektado na ng African swine fever (ASF).

Ito ang kinumpirma ng Office of the Provincial Veterinarian sa panayam sa radyo nitong Sabado.

Kabilang sa apektado ang Balete at Banga sa nasabing lalawigan na patuloy pa ring binabantayan ng naturang tanggapan at ng Office of the Provincial Agriculturist.

Kaugnay nito, nagsasagawa na ng 24-hour border checkpoint ang mga awtoridad sa mga nasabing bayan laban sa ASF.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ipinagbabawal ng mga opisyal ng Balete at Banga ang pagpasok ng mga karneng baboy mula sa mga kalapit na bayan upang maiwasang kumalat ang sakit.

Kamakailan, naiulat na lumaganap ang ASF sa ilang lugar sa Cebu kaya iniutos ng Bureau of Animal Industry na magsagawa ng culling o pagpatay sa mga baboy na apektado nito upang hindi na kumakalat ng sakit.

Noong 2019, unang na-detect sa Pilipinas ang ASF kaya nagkaroon ng malawakang culling ng libu-libong baboy.