Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang probinsya ng Isabela nitong Huwebes ng umaga, Mayo 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 8:49 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 15 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Maconacon, Isabela, na may lalim na 42 kilometro.

Naramdaman ang Intensity V sa Penablanca, Enrile, at Tuguegarao City, CAGAYAN.

Itinaas naman sa Intensity IV ang City of Batac, ILOCOS NORTE, habang Intensity II sa Pasuquin, Bacarra, at City of Laoag, ILOCOS NORTE.

Naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity V - Penablanca, CAGAYAN

Intensity IV - Gonzaga, CAGAYAN

Intensity III - Ilagan, ISABELA

Intensity II - Casiguran, AURORA; Pasuquin, Laoag City, Batac, ILOCOS NORTE; Vigan City, ILOCOS SUR; Santiago City, ISABELA; Tabuk, KALINGA; Madella, QUIRINO

Intensity I - Bangued, ABRA; Diapaculao, Baler, AURORA; Narvacan, ILOCOS SUR; Bayombong, NUEVA VIZCAYA

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa posibleng aftershocks.

Hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.