Halos 6,000 sakong oil contaminated debris ang nakolekta ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa patuloy na pagtagas ng langis ng lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.

Sa Facebook post ng PCG, ang libu-libong sakong oil contaminated materials ay naipon mula nang simulan ang cleanup operation sa siyam na barangay sa Naujan, Calapan at Pola sa Oriental Mindoro nitong Marso 1 hanggang Mayo 2.

Bukod dito, umabot pa sa 22 drum ng oil contaminated debris ang nasalok sa naturang lugar. 

Nasa 400 litrong oily water mixtures naman ang naipon ng offshore response team nitong Mayo 2.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"More than 6.6 kilometers of shoreline were cleaned yesterday, adding to the total 48.45 kilometers of shoreline cleaned out of 57.77 kilometers of shoreline affected since 01 March 2023," sabi pa ng PCG.

Matatandaang lumubog ang naturang oil tanker habang naglalayag mula Bataan patungong Iloilo, karga ang 800,000 litrong industrial fuel oil matapos hampasin ng malalakas na alon.