Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya na sa kanilang lotto games dahil limpak-limpak na naman ang mga papremyong sa lotto draw ngayong Miyerkules ng gabi.

Sa jackpot estimates ng PCSO, papalo na sa mahigit₱165 milyon ang premyo sa MegaLotto 6/45 na bobolahin dakong 9:00 ng gabi habang ang jackpot naman ng GrandLotto 6/55 ay nasa₱51 milyon.

“We want you to win this Wednesday, kaya buy na ng mga tickets and let's play Lottogether!” ayon pa sa PCSO.

Malaking bahagi ng kita ng PCSO mula sa kanilang mga palaro ay napupunta sa mga nangangailangan ng tulong.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang MegaLotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes habang ang GrandLotto 6/55 ay binobola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.