Tatlo na ang naiulat na nasawi sa salpukan ng dalawang barko sa Corregidor Island nitong Biyernes.

Ito ang isinapubliko ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo at sinabing nawawala pa rin ang dalawang tripulante habang 15 naman ang nasagip.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, una nang narekober ng kanilang tauhan ang bangkay ng isang tripulanteng Chinese nitong Sabado.

Sa ulat ng PCG, galing ng Botolan, Zambales ang MV Hong Hai 189 sakay ang 20 tripulante nang mabangga nito angMT Petite Soeur habang naglalayag mula sa Mariveles, Bataan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nangako naman ang Coast Guard na hindi sila titigil sa search and rescue operations hangga't hindi natatagpuan ang dalawa pang tripulante ng dredger na MV Hong Hai 189 na tumaob dahil sa insidente.