Umakyat pa sa 14.8 porsyento ang nationwide positivity rate ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansanitongSabado, Abril 29.

Sa datos na ibinahagi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group, sa kanyang Twitter account nitong Sabado ng gabi, mas mataas ang naturang positivity rate kumpara sa 14.3% lamang na naitala nitong Abril 28.

Halos triple naman ito sa linang porsyentong itinakdang threshold ng World Health Organization (WHO) para sa Covid-19 positivity rate, o angporsyento ng mga taong nahahawaan sa sakit mula sa kabuuang bilang ng mga pasyenteng isinailalim sa pagsusuri.

“April 29 2023, DOH reported 304 new cases, 0 deaths (0 in NCR) 527 recoveries and 5,070 active cases. 14.8% nationwide positivity rate. 151 cases in NCR. Projecting 800-1000 new cases on 4.30.23,” tweet pa ni David.

National

Gringo Honasan, tatakbong senador sa 2025; maghahain ng COC sa bago matapos ang filing