“Kahit bingi sila, we have to blow our whistle again and again. At least, the whole world would hear.”

Ito ang pahayag ni House Deputy Speaker at Batangas 6th district Rep. Ralph Recto nitong Linggo, Abril 30, matapos ang umano’y ipinakitang pagsalakay ng mga barko ng China sa dalawang patrol boat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS) kamakailan.

"Hindi ‘yan asal ng isang nagsasabing kaibigan niya tayo,” Recto na pinatutungkulan ang China.

“’Yung pag protesta natin, ng pamahalaan man o ng mamamayan, ay parang burglar alarm that goes off when it is tripped. Ang masama ay if we turn it off. Tuloy-tuloy lang,” dagdag niya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Matatandaang napabalita kamakailan na inihahanda na ng pamahalaan ang diplomatic action nito laban sa China.

BASAHIN: Diplomatic action, ikinakasa na vs China — DFA

Ayon kay Rector, kahit pa punuuin ng diplomatic protests ang Great Wall of China, dapat itong magpatuloy upang hindi umano gawing normal ang “maling pag-uugali” ng naturang bansa sa WPS.

"We also owe it to our neighbors, who are the subject of Chinese incursions, to make noise,” saad ni Recto.

"That kind of maritime patintero, which China has perfected, has become part of the seascape. It never passes a chance to display its bully credentials.”

Noong nakaraang taon, tinatayang 195 notes verbales ng insidente sa WPS ang inihain DFA sa Chinese embassy.