Isang dive yacht na M/Y “Dream Keeper" ang lumubog sa karagatan ng Tubbataha, Palawan nitong Linggo ng umaga, Abril 30, ayon sa Philippine Coast Guard.

Ayon sa PCG, bandang 6:49 ng umaga nang matanggap ng kanilang Command Center ang impormasyon mula sa Coast Guard District Palawan hinggil sa paglubog ng M/Y “Dream Keeper”.

Umalis umano ang nasabing dive yacht mula sa San Remegio, Cebu City, bandang 4:00 ng hapon noong Abril 27 at dumating sa Tubattaha Reef bandang 10 ng gabi nitong Sabado, Abrill 29.

Agad naman umanong ipinadala ng PCG ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) upang magsagawa ng SAR operations.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“The Coast Guard Sub-Station Tubattaha also augments the SAR operations, together with other dive boats in the area,” saad ng PCG.

Habang sinusulat ito’y nasa 28 na umano ang na-rescue habang apat pa ang nawawala.

Manatiling nakaantabay sa iba pang updates.