Marami ang bumilib at naaliw sa post ni Jon Oraña tampok ang mga larawang inedit niya kung saan makikitang tila pagala-gala ang mga hollywood personality sa Divisoria.

“Sa Divisoria ito, nag picture picture lang ako ng mga vendors kahapon. 😎,” caption ni Oraña sa kaniyang Facebook post.

Makikita naman sa 39 photos na shinare ni Oraña ang mga sikat na personalidad tulad nina Tom Cruise, The Rock, Ariana Grande, Barack Obama, Bill Gates, at iba pang tila nag-eenjoy at ang ilan ay nagbebenta pa ng mga pagkaing Pinoy sa Divisoria.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Oraña na nasa 30 minutes ang ginugol niya sa pag-eedit ng mga nasabing larawan gamit ang “ChatGPT” at “MidJourney”.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

“Sa una, you have to figure out a ‘prompt’ that will give you desired results. Nung nakuha ko na, I simply used the same prompt and added a different Hollywood personality and let AI do its thing,” kuwento ni Oraña.

Bilang isang Artificial Intelligence (AI) educator ay naisip naman daw niyang gawing subject ang hollywood personalities para mas maging entertaining ito at makuha ang attention ng mga tao.

Tila nagtagumpay naman siya sa kaniyang goal dahil sa ngayon ay umabot na sa mahigit 33,000 reactions, 3,000 comments, at 48,000 shares ang naturang post.

“Nakakatuwa and unexpected talaga,” saad ni Oraña.

Sa kabila nito, napansin din daw niyang marami ang nangangambang netizens sa paggamit ng AI dahil sa maaaring magdala umano ito ng panloloko at panganib sa ibang tao.

“Nakikita natin ang lack of awareness ng mga kababayan natin. Ang AI e maganda at malaking opportunity sa trabaho, negosyo, at pang araw-araw na pamumuhay [ng] maraming Pilipino,” saad ni Oraña.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!