Apat pang Kadiwa ng Pangulo (KNP) para sa mga Manggagawa center ang binuksan sa Baguio City, Cebu, Iloilo City at Zamboanga City.

Ito ay handog ng pamahalaan sa mga manggagawa kaugnay sa pagdiriwang ng ika-121 na Labor Day sa Mayo 1.

Nag-aalok ang mga KNP center ng sariwa at abot-kayang produkto, katulad ng gulay, prutas, karne at local goods.

Layunin din ng nasabing hakbang ng gobyerno na matulungang kumita ang mga magsasaka na direktang nagbebenta ng kanilang produkto sa publiko.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang mga KNP outlet ay matatagpuan sa Ibaloi Heritage Garden sa Burnham Park, Baguio City, Mactan Economic Zone 1, Cebu, Molo Plaza, Iloilo City, at sa Rizal Street, Zamboanga City.