Ipinarinig na sa publiko ang bagong single at comeback song ng 'Pinay singer na si Maymay Entrata na "Autodeadma" kasama ang rapper ng Korean pop group na Pentagon na si Wooseok.

Ang kanta ay patungkol sa isang taong hindi nagpapaapekto sa mga negatibong sinasabi ng iba dahil puno siya ng suporta mula sa mga taong nagmamahal sa kaniya.

"Autodeadma, mga issues not my business. Autodeadma, I just want us to be happy. Autodeadma, lies will never get to me. Basta't aking mahal kasama, all those hate won't bother me, deadma," bahagi ng liriko ng kanta.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Bukod sa mahusay na pag-awit ni Maymay, ipinamalas naman ni Wooseok ang galing nito sa rap. Ito rin ang unang pagkakataong nakipag-collaborate si Maymay sa Korean artist.

BASAHIN: Maymay Entrata, Wooseok ng Pentagon, magsasama para sa kantang ‘Autodeadma’

Inulan naman ng mga positibong komento ang dalawang artists sa husay nito sa pag-awit:

"Again I am amaze on Maymay's golden voice. Ako lang ba pero bagay ang boses nilang dalawa."

"Ang ganda ng song plus the collab!!! #MaymayxWooseok is on 🔥🔥🔥"

"Grabe ka na talaga maymay… Mas nakakahanga talaga. Imagine? Collaboration sa international! So much more in your talent to offer to the madla.😍"

"Ang ganda ng iyong song May. Ang ganda ng beat. At si Wooseok ang ganda ng rapp."

"Ang galing galing galing ng collaboration niyo Maymay"

"Yung blendeng ng boses nila grabe swak na swak waaah galing."

As of writing, tumabo na sa mahigit 31,000 views ang lyric visualizer nito sa YouTube.