Naglabas na ng hold departure order (HDO) ang Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) laban kay dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Kaparehong kautusan din ang inilabas ni Muntinlupa RTC Branch 206 Judge Gener Gito laban kay dating BuCor deputy officer Ricardo Zulueta.

Nitong Abril 12, naglabas ng warrant of arrest ang hukuman laban kina Bantag at Zulueta kaugnay sa pagkamatay ng presong si Cristito Villamor, umano'y "middleman" sa pagpaslang kay veteran journalist Percival Mabasa, alyas Percy Lapid.

Isa pang warrant of arrest ang inilabas ng Las Piñas City Regional Trial Court Branch 254 laban pa rin sa dalawang dating opisyal kaugnay naman sa pagpaslang kay Mabasa.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Matatandaang pinagbabaril si Mabasa habang sakay ng kanyang kotse sa labas ng BF Resort Village, Las Piñas City noong Oktubre 3, 2022.

Binawian naman ng buhay sa loob ng National Bilibid Prison si Villamor noong Oktubre 18, 2022.

Ilang beses na ring itinanggi ni Bantag ang alegasyon laban sa kanya