Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police-Maritime Group ang 16 na mangingisda matapos pumalya ang makina ng kanilang bangka sa Oriental Mindoro kamakailan.

Binanggit ng PCG, galing ng Rosario, Cavite ang FB Princess Ricamae at patungo na sana sa Estancia, Iloilo upang mangisda nang masiraan sa bisinidad ng Baco Chico Island sa Calapan nitong Abril 23.

Kaagad namang tumawag sa PCG ang isa sa mangingisda upang magpasaklolo.

Bukod sa PCG, tumulong din sa search and rescue operation ang oil spill response team ng pamahalaan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon sa mga rescue team, namataan nila ang nasiraang bangka 10 nautical miles o 18 kilometro mula sa Barangay Buhay na Tubig, Pola.

Hinatak na rin nila ang bangka patungong dalampasigan ng Brgy. Tiguihan, Pola, kasama ang mga mangingisda.