Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Koreano na miyembro umano ng voice phishing syndicate sa kanilang bansa sa ikinasang operasyon sa Pampanga nitong Abril 25.

Nasa kustodiya na ng BI ang akusado na si Kim Yerum, 28, matapos dakpin ng fugitive search unit (FSU) ng ahensya sa Angeles City nitong Martes.

Si Yerum ay kabilang sa red notice list ng International Criminal Police Organization (Interpol) matapos maglabas ng warrant of arrest ang Suwon District Court sa South Korea sa kasong fraud dahil sa kasama ito sa voice phishing syndicate na nag-o-operate sa kanilang lugar mula pa noong 2017.

Ipinade-deport na na ng Immigration si Yerum upang harapin ang kaso nito.

National

Catanduanes, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Philippine News Agency