Ibinida ng misis ni John Estrada na si Priscilla Meirelles ang kaniyang bagong pet dog na si "Koko," na aniya ay regalo ng mister sa kaniya para sa kanilang 10th wedding anniversary.

Batay sa Instagram post ni Priscilla, mukhang alam na alam ni John kung ano ang ikaliligaya niya---ang pagkakaroon ng pet. Simula bata pa lamang ay hindi na nawalan ng alaga ang misis.

"Growing up I always had pets. Dogs, cats, bunnies, fish, turtles, name it. One thing I have learned from being a pet owner since a very young age is that children who own pets can grow up into caring adults who can more intuitively tune into other people's feelings as well."

"Teaching children to respect animals helps them learn to respect people – others and themselves. Meet Koko, my 10th wedding anniversary gift from my husband and my swimming partner. She is adorable, sweet, clingy, and very smart. Cannot have enough of this makulit Baby Dog. 🤎🐶," ani Priscilla.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Matapos ang ilang "pag-iingay" sa social media ay mukhang nagkaayos na sina Priscilla at John.

Wika nga ni Priscilla, kung nagkakaproblema man ang "ilaw" sa loob ng tahanan, kailangang ayusin ang "pundido" lamang sa halip na wasakin ang mismong bahay.