Lumikha ng ingay ang exclusive contract signing ng aktor na si Enrique Gil bilang isang loyal at certified Kapamilya kahapon ng Martes, Abril 25.

Naganap ang contract signing sa ABS-CBN building na talaga namang espesyal ang pagsalubong sa kaniyang muling pagbabalik-tahanan.

Kasa-kasama niya ang kaniyang pet dog na si Millie, gayundin ng kaniyang talent manager na si Ranvel Rufino.

Dumalo sa naturang contract signing ang ABS-CBN executives na sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Film Productions Inc. head Kriz Gazmen, at Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Excited na umano ang aktor sa "new path" na gagawin niya sa kaniyang home network.

"I feel amazing. I'm really excited to be coming back and starting a new path. I'm doing something I've never done before, so hopefully, you guys can watch out for that," pahayag ng aktor.

"To all the bosses here, you know this has always been my home and I'm really, really glad to be back home."

Nilinaw rin ni Enrique na bagama't "buwag" na ang kanilang tambalang LizQuen ng nobyang si Liza Soberano, hindi raw totoo ang mga tsikang hiwalay na sila.