Napa-wow ang mga netizen sa pagsisid sa karagatan ng Bohol ang aktres, direktor, at writer na si Bela Padilla, na talaga namang makapigil-hininga.

"So sweet," caption ng aktres sa video ng kaniyang paglangoy sa kailaliman ng dagat.

View this post on Instagram

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Ayon sa diver na si Stephen Sanchez na naka-tag sa IG post ng aktres, nag-dive si Bela sa Napaling Point sa isang dagat sa nabanggit na lalawigan.

"It's an honor po na ma-videohan po kayo Ma'am Bela Padilla. Sana mapansin charrr," komento ng diver.

"Hi kuya!" ganting bati naman ni Bela.

Kitang-kita ang suwabeng paglangoy ni Bela at pagsuot sa isang bagay na tila hula hoop.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Galing!"

"Nakakatakot ang paglangoy sa malalim pero pag nakikita ko s'ya kung paano lumangoy ang sarap matuto."

"Ang graceful naman talaga…"

"I hope you can make a movie with you under the water.. something like Mermaid or just the real you…"

"Grabe pakahusay!"