General Tinio, Nueva Ecija -- Binuwag ng awtoridad ang isang drug den habang nahuli naman ang dalawang magkapatid kasama ang kanilang pamangkin sa isang buy-bust operation sa Barangay Pulong Matong noong Martes ng gabi, Abril 25.

Kinilala ang mga suspek na sina Jeffrey Gutierrez, Janren Gutierrez, at Jasper Adrian Gutierrez.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 13 gramo ng umano'y shabu na nagkakahalagang P88,400; drug paraphernalia; at marked money na ginamit ng isang undercover agent.

Dadalhin ang nakumpiskang iligal na droga saPhilippine Drug Enforcement Agency-3 Laboratory para sa forensic examination.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.