Matapos ang balitang hanggang Abril 29 na lamang ang noontime show ng Brightlight Productions at TV5 na "Tropang LOL," pormal at opisyal nang inihayag ng TV5 na muling babalik sa 12:00 ng tanghali ang noontime show ng Kapamilya Network---ang It's Showtime.

Umeere ang Showtime sa TV5 ka-back-to-back ng Tropang LOL.

"Simula May 1, may special gift tayo sa Kapatids, Madlang Pipol, at uring manggagawa: 1️⃣2️⃣ NOON na ang #ItsShowtimeTV5! 🕛," saad sa tweet ng official Twitter account ng TV5.

"Mas mahaba na ang oras ng pagsaSAMA-SAMA para sa kulitan, tanungan, tapatan, at kasiyahan,"dagdag pa.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

https://twitter.com/TV5manila/status/1650756526708015105

Hindi pa malinaw kung totoo ba ang tsikang ililipat ng Brightlight ang Tropang LOL sa NET25.