Pinalawig ng pamahalaan nang 90 pang araw ang deadline ng SIM registration sa bansa, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin nitong Martes, Abril 25.

Ang nasabing anunsyo ay matapos umano ang Cabinet Cluster meeting sa Malacañang na nilahukan ni Remulla kanina.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11934 o ang SIM Registration Act, Abril 26 ang nakatakdang deadline ng pagpaparehistro ng SIM bago ang nasabing pagpapalawig nito.

"Most of the services that come with the cellphones that are not registered will be cut off with the telcos. So, there will be a social media unavailability for those who do not register," saad ni Remulla.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC) noong Linggo Abril 23, tinatayang 82,845,397 SIM na ang rehistrado, ngunit 49.31% lamang ito sa mahigit 168 milyong SIM cards sa bansa.