Sa online show na "Just In," nagbigay ng ilang detalye si Kapuso actor Paolo Contis tungkol sa naging relasyon nila noon ng ex-partner na si LJ Reyes, gayundin sa kaniyang present girlfriend na si Kapamilya actress Yen Santos.

Pag-amin ni Paolo, marami siyang nagawang pagkakamali noon kay LJ pero marami pang hindi alam ang madlang pipol sa tunay na mga nangyari at detalye, pero nais na lamang itong isa-pribado ng aktor.

Gayundin ang tinatahak ngayon ng relasyon nila ni Yen; mas gusto nila aniyang "itago" o hangga't maaari ay gawing pribado na rin, at malayo sa mapanghusgang mata ng publiko.

Alam naman ng lahat na hindi naging maganda ang pagsisimula nila ni Yen, na pinagmulan ng iba't ibang memes. Bentang-benta pa rin hanggang ngayon ang linyahang "as a friend."

Paolo Contis, inaming dyowa na si Yen Santos, pero di raw dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes

Napaka-pribadong tao raw ni Yen, at para kay Paolo, advantage ito. Ito rin aniya ang bet niya, so nagwo-work sa kanila kung anuman ang meron sila sa kanilang relasyon ngayon.

Ngayong taon, sa "Fast Talk with Boy Abunda" ay tuluyan nang inamin ni Paolo ang real score sa pagitan nila ni Yen.

“Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan,” sey niya.

“Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila,” dagdag ng aktor.