Kagaya ng matagal nang espekulasyon, kinumpirma na sa wakas ni Paolo Contis ang tunay na estado ng relasyon nila ni Yen Santos.

Ito ang highlight sa ikalawang bahagi ng panayam ng Kapuso actor sa programa ni “King of Talk” Boy Abunda ngayong Lunes, Enero 30.

“Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba?” sey ng Kapuso comedian na unang hinirit ang “as a friend” na ugnayan nila ni Yen.

Tila wala namang balak intindihan ng dalawa ang sasabihin ng publiko ukol sa kanilang kontrobersyal na relasyon.

Angelica Panganiban, sumailalim na sa hip surgery

"Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan,” sey niya.

“Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila,” dagdag ng aktor.

Samantala, itinanggi naman ni Paolo na ang bagong pag-ibig ang dahilan ng hiwalayan nila ng dating partner na si LJ Reyes.

Pagbabahagi niya, "Somehow medyo matagal na kaming hindi kami okay ni LJ, pero we were together, of course. Napapadalas ang away and everything. I think it's a combination na ng stress sa pandemic and everything, no.”

Aminado namang hindi na inalala ng aktor ang mental health ng dating partner. “Isa yan sa feeling ko simula ng downfall namin, na hindi ko inisip yon,” aniya.

“Kapag nahihirapan siya during pandemic, ang utak ko, 'eh, alam mo yun? 'Four times a day tayong kumain, chill ka diyan.' Alam mo yung ganun?

"Plus, again, yung pagdidiskarte ko ng sarili ko, na hindi ko na ini-inform sa kanyang yung mga bagay-bagay, which led to bigger problems. So, I won't divulge na sa isyu na yon, pero eventually, it piled up. Again, hindi kami nag-uusap nang maayos.

"Plus, yun na nga, every time ako nakakalabas ng bahay dahil pandemic, may work... may kalokohan din akong ginagawa," pag-amin na rin ni Paolo.

Basahin: Paolo Contis, aminadong sumasablay sa sustento sa mga anak: ‘But I’m saving for them!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bagaman hindi na idinetalye ang nabanggit na “kalokohan,” iginiit naman ng aktor na wala pa silang espesyal na ugnayan noon ni Yen.

"Well, yung 'as a friend,' nung nag-Baguio kami ni Yen, nasa States na sila LJ nun.

"Nagmukhang baligtad because your [Boy's] interview with LJ came out, pero wala na kami sa Baguio nun. So, ang feeling ng tao, habang ini-interview si LJ, nasa Baguio ako.

"Pero when you were interviewing LJ, mga one or at least ten days na silang nasa States, I left for Baguio nasa States na sila. Hindi na kami nun."

Samantala, kasabay ng huling bahagi ng panayam, nauna na ring kinumpirma ng showbiz manager at kaibigan ni Paolo na si Ogie Diaz sa kaniyang programa sa YouTube ang parehong rebelasyon, Lunes.

“Alam kong sila,” sey lang ng host at idinetalyeng ang pinag-usapang Baguio trip nina Paolo at Yen ang naging kumpirmasyon ng kanilang relasyon.

&t=1091s