Ang singer, aktres, at bida ng "Euphoria" ng HBO na si Zendaya ay muling gumawa nang ingay sa Coachella nang mag-perform siya sa entablado kasama ang singer na si Labrinth.

Sa kanilang hinandang sorpresang dalawang kanta mula sa palabas na Euphoria na "I'm Tired" at "All for Us", ito ay nagpa-shookt sa fans dahil nasa pitong taon na umano nang huling magperform ang aktres.

Noong Marso ng nakaraang taon nang inanunsyo ni Zendaya sa Twitter na siya muna ay mag lie-low sa musika, kaya nabigla ang mga tagahanga nang sumali siya sa performance ni Labrinth kasama rin si Sia.

Matapos ang kanilang performance sa Coachella, nagbahagi si Zendaya sa kaniyang Instagram story na, "I cannot express my gratitude enough for this magical night."

Sa isa pa niyang IG story, muling nagpasalamat ang aktres kay Labrinth at sa mainit na pagsuporta ng mga fans, "Wow. My heart is full, I can't thank you enough for the love I received tonight, it made my nerves melt away. I'm so grateful."

Larawan: Zendaya/Instagram