Inihirit ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Department of Education (DepEd) na magdagdag ng mga pasilidad para sa mga classroom dahil na rin sa tumitinding init ng panahon sa bansa.

Hiniling din ng grupo sa pamahalaan na bawasan ang hinahawakan nilang estudyante upang hindi sila mahirapan sa loob ng klase.

Paliwanag ni ACT Secretary General Raymond Basilio, dapat ding ibigay ng DepEd ang pangunahing pangangailangan ng mga eskuwelahan dahil naaapektuhan na ang pag-aaral ng mga estudyanteng apektado ng init ng panahon.

“Andiyan ‘yung mga pangangailangan para sa sapat na mga electric fan. Isang pinaka-basic ‘yan na kailangan nating mga teachers dahil napakaraming mga school ‘yung walang mga electric fan," ayon kay Basilio sa isang television interview.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"Pangalawa ay bawasan ‘yung class size na hina-handle ng ating mga teachers kasi habang napakalaki noong class size ay talagang mahihirapan po ‘yung ating mga teachers at estudyante sa loob ng kanilang silid-aralan,” aniya.

Nahihirapan aniya ang mga estudyante na pagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral dahil sa epekto ng dry season.