Camp BGen Pantaleon Garcia, Imus City, Cavite - Isang 31-anyos na drug high-value individual ang natimbog ng pulisya matapos mahulihan ng halos ₱700,000 halaga ng shabu sa Dasmariñas City, Cavite nitong Sabado.

Ayon kay Cavite Police Provincial Office (CPPO) chief, Col. Christopher Olazo, nasa kustodiya na ng pulisya si Leonardo Francisco, alyas "Nok" at Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City.

Paliwanag ni Olazo, hindi na nakapalag ng suspek nang dakmain ng mga tauhan ng Dasmariñas City Police Station sa Brgy. Victoria Reyes.

Nasamsam ng pulisya ang tinatayang aabot sa 100 gramo ng illegal drugs na nagkakahalaga ng₱690,000.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.