Nagpahayag si Vice President Sara Duterte nitong Biyernes, Abril 21, ng kaniyang pakiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o ang “Festival of Breaking of the Fast”, at sinabing isabuhay nawa ng mga kapatid na Muslim ang mga natutuhan sa Ramadan.

Sa kaniyang video message, hinikayat ni Duterte ang bawat isa na magnilay-nilay sa mga karunungang nakamit nila sa isang buwang pagdiriwang ng Ramadan.

“I hope we put into practice the learning and insights we gained from introspection and pray for continued guidance as we strengthen our connection with Allah. I pray that our thoughts are filled with peace and joy even as we sympathize with our brothers and sisters in other parts of the world who might need help and deliverance from trials and sufferings,” ani Duterte.

“As we ponder on our challenges, let us thank Allah for the strength that allowed us to persist and overcome difficulties. May the experience of overcoming our personal challenges encourage us to be kind and compassionate to the plight of others,” dagdag niya.

National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

Hinikayat din ng bise presidente ang bawat isa na magpasalamat sa mga biyayang natatanggap, at magsumikap na maging biyaya sa iba.

“May our words and actions speak only of the good and may our character reflect the ideals that Allah wants us to live out each day,” aniya.

“As we celebrate with our family, friends, and communities, let our hearts be filled with joy knowing that love, kindness, respect, faithfulness, and peace reign supreme in our hearts and in our lives. Let us continue to pray for harmony, unity, and success for each one as we strive to grow deeper in our faith and service to others," saad pa ni Duterte.

Idineklara kamakailan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Abril 21, 2023 bilang regular holiday dahil sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

BASAHIN:PBBM, idineklarang holiday ang Abril 21 dahil sa Eid’l Fitr

Samantala, inanunsyo ng Bangsamoro Mufti na isasagawa ang pagdiriwang ngayong Sabado, Abril 22, matapos umano silang hindi makakita ng mooncrescent nitong Biyernes sa gitna ng pagsasagawa nila ng moonsighting.

https://balita.net.ph/2023/04/21/pbbm-sa-eidl-fitr-sustain-the-values-embodied-throughout-this-time/?fbclid=IwAR2JNk3DRtwoqbq53RSZGJasapW8LQQQ6YjaGoKEwhEsbEXc2CZ_okfaOAc