Pleasant surprise para sa parehong Pinoy at Thai pageant fans ang pagsasama kamakailan nina Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi at Miss Universe Thailand 2021 Anne Scott Kemmis, na parehong binansagang Miss El Tocuyo sa kani-kanilang batch.

Tila nasulit ni Celeste ang kamakailang break sa Phuket, Thailand kasama ang boyfriend at ilang mga kaibigan.

Basahin: Celeste Cortesi, kinulong sa bisig ng jowa habang nakabikini – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Naging chance din ito para sa Pinay rep na makipagkita sa kapwa Thai-Australian beauty queen, at Miss Universe sister na si Anne.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Sa magkahiwalay na Instagram post ng dalawa, iflinex ng Miss Universe alumni ang chill na friendship na tila ikinagulat ng maraming pageant fans.

Magkaiba kasi ng batch of girls at edisyon ng Miss Universe sumali ang dalawa. Gayunpaman, parehong unplaced unplaced ang dalawa dahilan para sila’y tawaging Miss El Tocuyo o mga kandidatang pinaniniwalaan ng fans na deserving ang spot sa semifinals ng prestihiyusong pageant.

Basahin: Dyowa ni Celeste Cortesi, pabirong tinawag na ‘Miss El Tocuyo’ ang GF; fans, nawindang – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ikinasaya ng fans ang mga larawan nina Celeste at Anne na makikitang komportable sa isa’t isa.

“I am curious of how you became friends. Were you exchanging messages then? like before celeste came to thailand ?😭❤” tanong na ng isang fan bagaman happy para sa friendship ng dalawa.

“Not the el tocuyo queens from thailnd and Philippines hahahaha cutiesss. sending love from 🇵🇭 ❤️”

“i thought i was seeing things,” segunda ng isa pang pageant fan na di rin makapaniwala sa duo ng beauty queens.

“Omggg, is this for real? love youuuu both 🤍”

“My Tocuyo heart is so happy! 😍❤️My all-time favorite Tocuyo queens!”

“Yaass el tocuyo queens💗💗💅”

“I supported these two gorgeous ladies in MU, no matter what the results,U r still my favorites. I'm so happy to see you two together😍@missuniverseu never had 🔥🔥🔥!”

Mukhang may balak namang bumisita ni Anne sa Pinas base sa kaniyang Instagram caption.

“2 worlds colliding 🤍 I guess it’s time I go to the Philippines?” sey niya.

“See you in the Philippines! ❤️🫶🏼” welcoming na comment naman ni Celeste.