Hindi naiwasang mag-aalala ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera nang malaman ang nangyari kay Boobay sa naging interview nito sa "Fast Talkwith Boy Abunda" noong Huwebes, Abril 20.
Ang Primetime King na si Dingdong ang bisita sa latest episode ng Fast Talk nitong Biyernes, Abril 21. Itinanongni Boy sa aktor kung ano ang naging reaksyon nila ni Marian hinggil sa insidente.
Kuwento ni Dingdong, nagdi-dinner silang mag-asawa nang may magsend kay Marian ng isang link ng video ni Boobay sa interview nito.
"Kinabahan kami. We were really really worried kasi alam nating talagang si Boobay, syempre nanggaling sa isang karamdaman na nakapag-recover naman siya doon, so when I saw it 'how was he?'," saad ng aktor.
Matatandaang malapit na kaibigan ng mag-asawa si Boobay.
Itinanong din niya sa TV host kung ano ba ang kabuuan ng nangyari dahil maiksi lang daw ang napanood niya.
Mabilisan namang ikinuwento ni Boy ang nangyaring insidente.
"He started to be quiet. Akala ko iiyak, akala ko he was getting emotional because he was remembering how he started [in showbiz]. So, pinapanood ko lang siya. After few second, instinct eh, sabi ko something is wrong...," kuwento ni Boy.
"Nilapitan ko na kasi I instinctively felt that something is wrong. Niyakap ko... so we took a break. Less than 6 minutes inupo namin siya. So 'yun tumawag kami ng doktor, ng nurse. After few minutes, he was back," paglalahad pa ni Boy.
Doon din daw niya nalaman na ito ay 'silent seizure.' First time rin daw niyang maka-encounter ng ganoon sa tagal niyang nasa showbiz. Kaya naman muli niyang sinabihan si Boobay na ingatan nito ang kalusugan.
Nauna nang ibinahagi ng Kapuso comedian na si Boobay na maaari siyang makaranas ng mga pag-“hang” dulot umano ng kaniyang pagkaka-stroke noong 2016, ayon sa kaniyang doktor.