Isang umano'y notorious drug personality ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Baguio City matapos makumpiskahan ng ₱250,000 sa buy-bust operation sa naturang lungsod kamakailan.

Kinilala ang suspek na si Allan Sunga Nider, taga-nasabing lugar, na nasa kustodiya na ng PDEA-Cordillera Administrative Region (CAR).

Inaresto si Nider sa Padre Burgos, Baguio nitong Abril 21 matapos bentahan ng illegal drugs ang isa sa poseur-buyer.

Sa rekord ng pulisya, dati nang inaresto si Nider noong Abril 2003, Marso 2007, Marso 2009 at Hulyo 2013 sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol