Patay ang isang lalaking tumataya sa isang lotto outlet sa Zamboanga matapos barilin ng dalawang hindi kilalang salarin noong Huwebes, Abril 20.

Kinilala ni Police Mayor Shellamie Chang, Police Regional Office-9 information officer, ang biktimang si Samuel Isidro Apolinario, 51.

Iniulat ng pulisya na tumataya ng lotto si Apolinario sa isang outlet sa Zone 4 Cabaluay nang barilin umano ito ng tatlong beses ng isa sa dalawang suspek na lulan ng motorsiklo.

Agad na dinala ang biktima sa government hospital habang nakatakas naman ang mga suspek patungong Barangay Culianan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Patuloy namang nagsasagawa ng pursuit operations para maaresto ang mga suspek.