Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng gabi, Abril 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 6:21 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 292 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 151 kilometro.

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa posibleng aftershocks.

National

FPRRD sa mga Pinoy: ‘Punta kayo kay Marcos lahat, tingnan natin anong mangyari!’

Hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.