Inaapura na ang isinasagawang salvage operations sa nasunog na MV Lady Mary Joy 3 sa Basilan kamakailan.

Sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG), tumutulong na sila sa operasyong pinangungunahan ng Aleson Shipping Lines, kasama angM/T Muscle Man 1 at M/T Muscle Man 2.

Nakasadsad pa rin ang barko sa dalampasigan ng Baluk-Baluk Island, Hadji Muhtamad sa Basilan.

Matatandaang nasunog ang naturang passenger vessel sa nasabing isla habang naglalayag mula Zamboanga City patungong Jolo, Sulu nitong Marso 29 na ikinasawi ng 33 pasahero nito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol