Hindi na magkakaroon pa ng pangalawang araw ang "R TO V IN MANILA" 4th at solo concert ng Korean pop girl group na Red Velvet sa bansa.

Ito ay matapos ianunsyo ng organizer na PULP Live World Production, Inc. na kinakailangan nang magpahinga ng grupo para sa mga susunod pa nitong schedules.

"… the girls’ schedules are quite hectic and as excited as we are to have more days with them, we won’t be able to have a D2," anang chief operations officer ng organizer.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/happeehour/status/1648561871925002240?s=20

Gaganapin ang kanilang concert sa Mayo 7, sa Mall of Asia Arena.

Binubuo ng limang miyembro na sina Irene, Seulgi, Wendy, Joy, at Yeri, ang Red Velvet ay nag-debut taong 2014. Ang grupo rin ang nagpasikat ng mga kantang “Bad Boy,” “Psycho” at kanilang lastest main track na “Feel My Rhythm.”

Nakaraang taon, nakasama rin ang Red Velvet sa "Be You" concert sa Manila. Kasama ng Kpop stars ang BGYO, BINI, at si Lady Pipay.