Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Sultan Kudarat, Maguindanao nitong Miyerkules ng gabi na ikinaaresto ng isang pulis at anim pang suspek.

Pinipigil na ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga suspek na sina Police M/Sgt. Sarip Mastura, Kasumi Ones Quindapa, Esmael Macalbas, Sam Sandakan, Michael Compaña, Jamil Macalimbil, at Toto Madin.

Hindi na nakalaban ng pitong suspek matapos mabulaga sa paglusob ng mga awtoridad sa kanilang drug den sa Barangay Salimbao.

Bukod sa hindi pa mabatid na halaga ng shabu, nasamsam din sa mga ito ang mga drug paraphernalia, isang baril at isang cellular phone.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang pitong suspek.