Nagpatiwakal ang isang Chinese national sa Tondo, Maynila nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Anthony Sy, 43, residente ng 1140 Bldg. Filipino Chinese Wei Due, na matatagpuan sa Narra St., kanto ng Algue St., sa Tondo.

Batay sa sketchy ng Moriones Police Station 2 (PS2) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-7:55 ng umaga nang maganap ang insidente sa ikalimang palapag ng gusali kung saan naninirahan ang biktima.

Naisugod pa ng mga rescuer ang biktima sa Metropolitan Hospital ngunit binawian din ng buhay.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima.