Nanawagan muli ang dalawang telecommunications company na palawigin pa ng gobyerno ang deadline para sa subscriber identity module (SIM) card registration.

Nauna nang inihayag ng pamahalaanna hanggang Abril 26 na lamang ang pagpaparehistro ng mga SIM card.

Paliwanag ngSmart Communications Inc. at TNT, nasa 36.5 milyon pa lamang o 55.1 porsyentong kanilang subscribers ang nakapagparehistro.

Anila, sakaling mapalawig ang pagpaparehistro, mabibigyan ng pagkakataon ang mga unregistered users na makakuha ng documentary requirements, katulad ng government identification (ID).

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

"At present, all 160 million subscribers in the country are given only 121 days to register. Comparatively, in other countries like Indonesia and India, PTEs were given 1 to 2 years of a registration window to better prepare for and promote SIM registration,” sabi naman ni PLDT, Smart First VP Cathy Yang.

Sa datos ng National Telecommunications Commission, umaabot pa lamang sa75,564,837 SIM cardsang nairehistro, 44.97 porsyento ng kabuuang168,016,400 active mobile users sa bansa.

Philippine News Agency