Isa pang bagong Kadiwa ng Pangulo ang binuksan sa San Jose del Monte sa Bulacan nitong Miyerkules.

Tampok sa naturang Kadiwa center na nasa San Jose del Monte City ang abot-kayang halaga at de-kalidad na produkto.

Mabibili rito ang bigas na ₱25 kada kilo, mga gulay na ₱30 hanggang ₱75 per kilo, at sariwang karne at isda.

Layunin nito na maisulong ng administrasyon ang abot-kayang presyo ng agricultural products na mapakikinabangan ng publiko.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Katuwang ng pamahalaan sa 'Kadiwa'ang 50 sellers, kabilang ang mga magsasaka, mangingisda, at miyembro ng kooperatiba at samahang pang-agrikultura.