Binalaan ng isang water company ang publiko na mawawalan ng suplay ng tubig sa ilang lugar sa Antipolo at Cainta sa Rizal nitong Miyerkules ng gabi.

Ikinatwiran ng Manila Water, kukumpinihin ng mga tauhan nito ang nasirang linya ng tubig sa loob ng walong oras.

Ang mga komunidad sa loob at labas ng Valley Golf & Country Club mula Antipolo City hanggang Cainta ay maaapektuhan ng ng water supply interruptions.

Paliwanag naman ni Manila Water spokesman Jeric Sevilla, malaking water leak ang kukumpinihin sa Don Celso Tuazon Avenue.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Humingi naman ng paumanhin si Sevilla sa mga customer nito at sinabing bahagi lamang ito ng regular maintenance at repair activities.

Mawawalan din ng water supply ang Barangay Mambugan, Muntindilaw at Santa Cruz sa Antipolo, at Brgy. San Juan sa Cainta.

Philippine News Agency